YUNIT III: MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS

ARALIN 1: WIKANG FILIPINO at MASS MEDIA
https://web.facebook.com/251114055370516/photos/a.251129572035631/251129575368964/?type=1&theater



                 Dito ay aking natutunan na magkaiba pala ang media at mass media. Kadalasan kasi ay napagkakamalan natin na ang dalawang ito ay magkapareho ngunit hindi naman talaga. Ang media ay isang institusyong panlipunan katulad ng pamilya, paaralan ,at simbahan samantala ang mass media ay isang industriya. Halimbawa nito internet, radyo, pahayahan, magasin, telebisyon. Ang radyo na sakop ng mass media ay sinasabing media ng masa dahil sa maraming tao ang abot at tumatangkilik dito sapagkat mababa ang presyo nito at maraming estasyon o lugar ang nasasakop nito. Ang panonod naman ay tinatayang ikalimang kasanayang pangwika. Dito ay inu-unawa ang mga larawang nakita o di kaya naman ay binabasa at pinakikinggan na ginagamitan nga utak sa pagproproseso ng mga ideya. Ang mga uri ng palabas ay tanghalan, pelikula, telebisyon, at YouTube.


No comments:

Post a Comment