Aralin 3: Interaksyonal


                  Ang aking natutunan ay wika na pasalitang paraan. Ang tungkulin ng wika ayon kay Halliday (1973) ay tulungan tayo na makipag-ugnayan at bumuo ng sosyal na relasyon sa ating pamilya, kaibigan o kilala. Dito ay nagaganap ang interpersonal na komunikasyon kung saan tayo ay nakikipag-ugnayan o nakikipag talastasan sa isa o higit pang tao na nagdudulot sa atin na magkaroon ng karagdagang kaalaman. Ang isang magandang halimbawa nito ay ang pormularyong panlipunan. Nasasakop din nito ang pakikipag-usap o interaksiyon sa internet. Ang mga halimbawa nito ay dalawahan kagaya ng E-mail, pangrupo tulad ng group chat, at pangmaramihan kagaya ng mga online store at sociosite.


No comments:

Post a Comment