Ang wikang Filipino ay tinuturing na multilingguwalismo dahil binubuo ito ng ibat-ibang kasalong wika. Binabali nito ang nakasanayang tawag natin sa ating wika na wikang tagalong dahil ang wikang tagalong ay ginagamit lamang ng mga taga Luzon at ang wikang ito ay isa lamang sa mga “kasalong wika” o wika na lumilinang sa ating pangunahin at pambansang wika na wikang Filipino. Ngayon, tayo’y dumako sa maikling kasaysayan at mga yugto ng wika. Wikang Ingles ang dinalang wika ng mgadayuhan noong 1901 na ginamit sa pampubliko at pribadong edukasyon. Unang yugto ng wikang tagalog ay nangyari noong 1935 kung saan ginamit ang wikang tagalong bilang pambansang wika. Noong ikalawang yugto ng wikang tagalong naman ay ginamit ang wikang tagalong bilang pang-akidemikong asignatura noong 1940. Ang unang yugto ng wikang Pilipino naman ay naganap noong 1959, kung saan ang “Tagalog” ay pinalitan ng pangalang “Pilipino” noong 1959. Nang ikalawang yugto ng wikang Pilipino ay tinanggalan ito ng katayuan bilang pambansang wika taong 1973. Sa taon ding ito naganap ang unang wikang Filipino kung saan ito ay isang artipisyal na wika at papalit sa wikang Pilipino. Sa ikalawang wikang Filipino naman ay ginawa na itong wikang opisyal, pang-akademiko, at pambansa, at pinangalanang “Filipino” ng konstitusyon 1987.
Atin naming alamin kung ano-ano ang mga programang pangwika. Monolingguwalismong Ingles ang ginamit noong 1907 ng mga amerikano dahil nais nilang hubugin ang mga Pilipino sa kanilang kultura. Unang Bilingguwalismo naman ang ipinalaganap nang iniutos ni Jeorge Bocobo noong 1939 na gamitin ang mga unang wika bilang pantulong sa wikang panturo. Binubuo ito ng wikang Ingles at isa sa ating mga unang wika. Ang ikalawang Bilingguwalismo ay naganap noong 1970 kung saan ay may pamantayang lumabas na nag-uutos na tanging wikang Pilipino na lamang ang gamiting midyum sa pagtuturo sa lahat ng antas pang-akademiko. Sa programang ito ay sa kauna-unahang pagkakataon nagamit ang wikang Pilipino bilang wikang panturo sa buong kapuluan. Noong 1973, naganap ang programang unang multilingguwalismo kung saan ginamit ang mga unang wika bilang midyum ng pagtuturo hanggang sa ikalawang baitang na susundan naman sa paggamit ng mga wikang Pilipino at Ingles. Ipinatupad ang ikatlong bilingguwalismo noong 1974, kung saan ginamit ang wikang Ingles at Pilipino na nagsantabi sa mga unang wika. Ito ay sumasaklaw sa lahat ng antas pang-akademiko na umiiral nang mahigpit sa loob ng isang dekada. Ikalawang multilingguwalismo naman ay ipanatupad ng dating pangulong Corazon Aquino na mistulang pinagsama ang unang multilingguwalismo at ikatlong bilingguwalismo. Dito ay pinagtibay ang wikang Filipino at wikang Ingles at ang unang wika naman bilang wikang pantulong sa pagtuturo. Pinakapanghuli naman ikatlong multilingguwalismo o “sistematikong multilingguwalismo” na ipinatupad noong 2009 kung saan ang oral at tekstuwal na paggamit sa mga unang wika sa loob ng mas mahabang panahon.

No comments:
Post a Comment