Aralin 3: Lingguwistikong Komunidad at Uri ng Wika

        Ang tunguhin ng lingguwistikong komunidad ay kaisahan na tila may iisang mukha, wika, kilos, o tunguhin ang bawat kasapi.
    
       Ayon kay Saville-Troike (2003), mayroong mga salik ng lingguwistikong komunidad. (1) May kaisahan sa paggamit ng wika at naibabahagi ito sa iba.(2) Nakapagbabahagi at malay ang kasapi sa tuntunin ng wika at interpretasyon nito. (3) May kaisahan sa pagpapahalaga at palagay hinggil sa gamit ng wika. Samakatwid, ang lingguwistikong komunidad ay umiiral lamang sa sektor, grupo, o yunit na nagkakaunawaan sa iisang gamit nila ng wika na may kaisahan sa uri o anyo. Halimbawa nito ay sektor, grupong pormal, grupong impormal , at yunit.
    Ang tungihin naman ng multicultural na komunidad ay “pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba”. Maraming wika ang kasali o multilingguwal ang mga kasapi nito. Halimbawa na lamang ang internasyonal (UNICEF at UN), rehiyonal (European Union at ASEAN), pambansa (mga bansang may iba’t ibang etnolingguwistikong pangkat kagaya ng Pilipinas), at organisasyonal (Google, Nestle at iba pa).
     Mayroong apat na uri ng wika, ito ay ang sosyolek,idyolek,diyalekto at rehistro. Sosyolek ang gamit ng wika kapag ito ay nililikha o ginagamit ng isang pangkat panlipunan. Halimbawa nito ay ang jejemon. Sa kabilang banda naman, ang idyolek ay ang natatanging paraan ng pagsasalita ng isang tao. Halimbawa nito ay ang pagsasalita ni Kris Aquino. Samantala, ang diyalekto ay ang salitang ginagamit  g isang tao na nasa isang rehiyon o lugar. Halimbawa ito ay ang diyalektong Cebuano na ginagamit ng mga taga Cebu. Ang rehistro naman ay ang pananalita na ginagamit ng isang tao na na sa sakop o espesyalisadong terminong dapat gamitin sa particular na larawan. Halimbawa, ang PT sa mga guro ay performance task, habang sa larangan ng syensya naman ay pregnancy test.

No comments:

Post a Comment