Aralin 4: Personal






                 Ito ay ginagamit ng wika upang maipahayag  ang lalim ng ating sarili at ating anumang layunin. Dito ay nailalahad natin ang ating kaluluwa , ating mga sikreto at personal na gusto na tanging ikaw lang ang nakakaalam. Batay sa personal theory ni Carl Jung (1920), may apat na dimenyon ang personalidad. Ito ay ang panlabas laban sa panloob, pandama laban sa sapantaha, pag-iisip laban sa damdamin, at paguhusga laban sa pag-unawa. Dito ay natutunan ko rin kung ano nga ba ang malikhaing sanaysay. Sinasabing ang salitang sanaysay ay nanggaling sa dalawang magkaibang salita, ang sanay at pagsasalayay. Kung ating iisipin, ito ay nangangahulugang sanay sa pagsasalaysay. Dito ay napapahayag ng may akda ang kanyang personal na kuwento at mga interesadong karanasan. Halimbawa nito ay biograpiya, awtobiograpiya, alaala, sanaysay o tala ng paglalakbay, personal na sanaysay, at kagaya ng ginagawa ko ngayon, ang pag b-blog. Ang mga bahagi ng sanaysay ay panimula,katawan at wakas. Sa pagsusulat ng sanaysay ay dapit nating alalahanin na pumili ng paksa na interesante at bago sa mambabasa, tiyaking ito ay makatutuhana at walang mga pagkakamali sa grammar.

No comments:

Post a Comment