Aralin 6: Heuristiko at Represintatibp

mula sa https://www.salesforce.com/ca/blog/2016/08/make-next-presentation-best-yet.html


              Ang heuristiko ay ang bisa ng wika sa isang sitwasyon samantala ang representatibo ay bisa ng wika sa isang pagkakataon. Ito ay sa proseso ng tanong at sagot. Pag-iimbestiga at pag-eeksperimento na ginagamitan ng pag-iisip upang maintindihan ang mga bagay-bagay. Mayroong apat na yugto tungo sa maugnaying pag-iisip. Ito ay ang paggamit ng sintido-kumon, lohikal na pag-iisip, kritikal na pag-iisip at maugnaying pag-iisip kung saan ito ang pinakamataas na antas ng pag-iisip. Natutunan ko din dito kung ano ang pag-uulat-biswal. Ang Power Point presentation ay isang application ng microsoft office kung saan ito ay ginanagamit sa paglalahad at pag-oorganisa ng mga ideya at larawan. Ito ay ginagamit upang lubos na maintindihan ng mga manonood o ng mga mambabasa ang mga nakalahad o naka-ayos na ideya. Tayo naman ay dumako sa mga pananda para sa kohesyong gramatikal. Ito ay may anapora, katapora, pangatnig, at pagkasunod-sunod. Ito ay ginagamit uoang mabigyang diin ang mga mahahalagang ideya at magkaroon ng may saysay na talata o pangungusap na makapagdudulot ng pagkatuto.

No comments:

Post a Comment