Tuesday, September 24, 2019


      Ang unang semestre ng aming asignatura sa Filipino 1 ay nakapagbigay sa amin ng napakalawak na kaalaman. Ang mga bago at karagdagang kaalamang ito ay napakahitik at puno ng kabuluhan na nagdulot sa amin na magkaroon ng mga bagong kaisipan at ideya na maari o magamit o nagagamit na na sa aming pang-araw-araw na buhay. Sa pagkakataong ito ay nais namin sanang ilahad at ibahagi ang aming mga natutunan upang magkaroon ng mga pagpapalitan ng pagkatuto sa pagitan ng mga mambabasa at mga studyante na nasa likod ng blog na ito.

Yunit I: Mga Konseptong Pangwika

Aralin 1: Wika, Komunikasyon, at Wikang Pambansa




Mula sa https://umalikkru.wordpress.com/2016/06/26/ano-nga-ba-ang-tungkulin-ng-wika/






         Araw-araw nating ginagamit ang wika sa pakikipagkomunikasyon sa ating kapwa tao ngunit alam ba talaga natin ang depinisyon ng wika? 
       
        Mayroong napakaraming depinisyon ang wika at ito lamang ang iilan .Unang depinisyon ay ang wika ayon kay Emmert at Donagby, ito isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasilat na letra na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais natin ipabatid sa ibang tao. Samantala, sa ikalawang depinisyon  ng wika sa lingguwistikong paliwanag, ang wika ay sistema ng arbitraryong pagpapakahulugan sa tunog at simbolokodipakadong paraan ng pagsulat, at sa pahiwatig ng galaw o kilos ng tao na ginagamit sa komunikasyon ayon kay Bloch at Trager (2005). 
        
      Mayroon ding anim na daluyan ng pagpapakahulugan. Una ay ang tunog na sinasabing nagmula sa paligid, kalikasan at mula mismo sa tunog na likha ng pagbigkas ng tao. Ayon kay Ferdinand de Saussaure (1911),  ditto ay lumutang ang konseptong "ponosentrismo" (phonocentrism) na nangagahulugang "una ang bigkas bago ang sulat". Ang pangalawa ay simbolo na binubuo ng mga biswal na larawan,guhit. o hugis na kumakatawan sa isa o maraming kahulugan. Pangatlo ay ang kodipikadong pagsulat na nangangahulugang sistema ng pagsulat . Halimbawa nito ay ang papyrus ng mga taga ehipto. Ang pang-apat  naman ay galaw na wari’y tumutukoy sa ekspresyon ng mukha, kumpas ng kamay, at galaw ng katawan o bahagi ng katawan na nagpapahiwatig ng kahulugan o mensahe. Ang kilos naman ang panglima, ito ay ipinahihiwatig ng isang ganap na kilos ng tao. Halimbawa ay pag awit at pagtulong sa mga tumatawid sa daan. 
        
      Ngayon ay dumako naman tayo sa mga gamit ng wika. Ating alamin kung ano-ano ang mga ito at ano ang mga pakahulugan nito. Ang unang gamit ng wika ay gamit sa talastasan. Ang kontekstong ito ay madali ng maintindihan, ibig sabihin lamang nito ito ay ginagamit sa pakikipagkomunikasyon pasalita man o pasulat. Pangalawa ay lumilinang sa pagkatuto na tumutukoy sa mga akda noon ay patuloy na pinag-aaralan o binabasa ng ating bagong henerasyon. Halimbawa nito ay ang El Felibusterismo ni Dr. Jose Rizal na patuloy na binabasa at tinatangkilik ng mga kabataan ngayon. Pangatlong gamit ng wika ay saksi sa panlipunang pagkilos. Ang ikapang-apat ay lalagyan o imbakan. Ang wika ay ang taguan o deposito ng kaalaman ng isang bansa.  Sa panglima ay tagapagsiwalat ng damdamin. Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Halimbawa ay pangliligaw o panghaharana , dito ay ipanapahayag ng lalaki ang kanyang pagmamahal at mga hangarin sa kanyang pinakamamahal na dalaga. Gamit sa imahinatibong pagsulat naman ang ika pang-anim. Ginagamit ang wika sa paglikha ng mga storya , mga tula  o anumang akdang pampanitikan na gumagamit o nangangailangan ng malikhaing imahinasyon.
   
     Sa pagkakataong ito ay dumako tayo sa kategorya at kaantasan ng wika. Ang kategorya ng wika ay nahahati sa dalawa, ang pormal at di-pormal na wika. Sa bawat kategorya ay mayroong nakapaloob na kaantasan.

 Ito ang mga sumusunod:

1. Pormal- Ito ay kinikilala at higit na mas ginagamit sa isang pamayanan o bansa. Madalas ginagamit ito sa paaralan at opsina o anumang lugar o sitwasyon na nangangailangan ng pormalidad.
   Mga antas :

a. opisyal na wikang pambansa at panturo
b. wikang pampanitikan


Ang dalawang kaantasang ito ay magkaiba. Ang opisyal na wikang pambansa at panturo ay ginagamit sa paaralan upang makapagturo habang ang wikang pampanitikan naman ay ginagamit sa pagsulat ng mga akda na mayroong nakapaloob na malalim na kahulugan sa bawat salita na napapaloob.

2. Di- pormal na wika ay ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagkomunikasyon sa ating kapwa tao.   
a. Wikang panlalawigan
b. Wikang balbal
c. Wikang kolokyal

         Ang wikang panlalawigan ay ginagamit sa isang spesipikong pook. Halimbawa, ang ginagamit na wika sa Cebu ay ang diyalektong Cebuano. Ang wikang balbal naman ay ang madalas na ginagamit sa mga lugar na iskwaters o di naman kaya ay pakikipag-usap sa kaibigan. Halimbawa nito ay epal (papel), erpat (tatay). Ang wikang kolokyal naman ay pinadaling salita. Halimbawa, kelan(kailan), at musta (kamusta).
   
        Ngayon naman ay nais kong ibahagi ang aking kaalaman na natutunan ukol sa komunikasyon. Ayon kay Cruz (1988), ang wika ay ang proseso ng pagbibigay at pagtanggap, nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal ang mga impormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon, at damdamin na nagbubunga sa pagpapalitan ng pagkakaunawaan at kaunlaran ng lipunan. Mayroong tatlong antas ng komunikasyon.(1) intrapersonal o antas  ng komunikasyon na nakatoun sa sarili.(2) interpersonal o antas ng komunikasyon sa dalawa o higit pang tao. (3) organisasyonal o antas ng komunikasyon na nagaganap sa mga organisasyon kagaya ng paaralan, kompanya, at simbahan. 
       
      Ang pangkaraniwang modelo ng komunikasyon naman ay umiikot sa tagapagpadala,mensahe, tsanel,tagatanggap, tugon at ingay. Ang tagapagpadala ang  nagbibigay ng mensahe na dumadaan muna sa channel bago makarating sa tagatanggap. Kapag natanggap na ang mensahe ay nagbibigay naman ng tugon, puna o reaksiyon ang tagapagpadala pabalik sa tagapagpadala ngunit hindi rin mawawala ang sagabal sa komunikasyon na kung tawagin ay ingay. Mayroong tatlong uri ng komunkasyon. Una ay ang komunikasyong pabigkas, pangalawa ay komunikasyong pasulat, at panghuli naman ay pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng kompyuter.